“Invest Wisely,” ito ang pangunahing prinsipyo ni Alas ng Salto Benzen “Moi” Llamado. Para sa kanya, napaka-importante para sa isang breeder at cocker na mag-invest sa magandang breeding materials, mainam na nutrisyon , at maayos na health management.
Si Moi Llamado ang may-ari ng BTL Gamefarm na matatagpuan sa probinsya ng Capiz, Iloilo, at Negros Occidental. Maganda ang lokasyon ng kanyang gamefarm. Nakatayo ito sa isang lugar na may maburol na lupain, maayos na water supply, at tamang distansya mula sa siyudad. Dito niya pinapalaki at inaalagaan ang kanyang mga signature bloodlines na McLean Hatch, Lemon, Boston Roundhead, at Sweater.
Disiplina at talino ang naging pundasyon ni Moi upang maging matagumpay sa industriya ng gamefowl breeding at conditioning. Hindi matatawaran ang kanyang husay na makikita naman sa kanyang sunod-sunod na mga parangal, tulad ng: 2009 CAGBA 5 Cock Champion, 2010 CAGBA Stag Champion, 2011 Marvin Aces 5 Cock Big Event Solo Champion, 2015 UGBAP 7 Bullstag Champion, 2019 UGBAP Breeder of the Year Runner up, at 2018 7 Cock Candelaria International Champion.
Smart Breeder
“Tinitingnan ko ang consistency ng lineage,” ang sabi ni Moi tungkol sa pagpili ng materyales. “Dapat may cutting power. Tinitingnan ko ang body conformation at station.” Ayon sa kanya, mas gusto niya ang mga gamefowls na medium-high station dahil mas mataas ang accuracy nito at mas maganda ang recoil ng palo.
Para kay Moi, mas mainam na magsimula ng tama lalo na sa pagpili ng breeding materials upang hindi masayang ang gugugulin na panahon, pera, at pagod. Ang payo niya lalo na sa mga baguhang mga breeder ay huwag manghinayang sa pagpili ng magandang bloodline. Siguraduhin na matapat at may magandang record ang panggagalingan. Dahil dito, malaking bagay para kay Moi ang magandang relationship sa mga breeders na kinukuhanan ng kanyang mga materyales dahil nakaka-sigurado siya sa lineage at pedigree ng mga broodstocks niya.
“I practice inbreeding, at kapag deeply inbred na sila, then I go to line breeding.” Payo ni Moi, kailangan mag-selective breeding upang mapanatili ang fighting style ng mga panlabang manok.
Pero hindi natatapos sa breeding ang pagbuo ng champion na panabong. Para kay Moi, dapat sundin ng mga gamefowl breeders ang basic foundation upang makuha ang full potential ng mga manok. Importante ang malinis na kapaligiran, 100% Salto high-quality feeds, at vaccination programs.
Prevention is better than cure, ika nga niya. Importante din na mag-invest sa mga tao na tumutulong sa farm upang lalo nilang pagbutihin ang pag-aalaga sa iyong mga manok. Para sa ating Alas ng Salto, upang maging mas magaling na breeder, dapat din na maging up-to-date sa mga bagong developments at inventions sa industriya.
Salto Support
Nagsimula si Moi sa paggamit ng Salto Feeds nang ma-introduce ito sa kanya ng isang Salto Gamefowl Specialist. “It was breeding season when I tried Gallimax 21. Better siya compared sa dating produkto na ginagamit ko. It is very impressive. Yung fertility at egg production ng mga manok ko is very good. At pag marami nang na-produce, I use naman the Salto Chick Booster, then Gallimax 2 and 2+ and then lately pag-conditioning na, I shift to Salto Conditioner. ”
“Pero bottom line, it’s the support of the Salto Team. Yun ang nakapag-convince sa akin,” sabi ni Moi. “Nagustuhan ko talaga ang regular na support ng Salto team. Yung ibang feed companies, hindi ko sila laging nakikita. Kapag nakuha ka nila, wala na. Pero yung service ng Salto, iba talaga. They are just one call away. They give me support on vaccination at health programs at sa magandang feeding combinations.”
“Sa Salto, maganda ang culture nila on how they treat their clients. I am happy here so I treat Salto as a family,” sabi ni Alas ng Salto Benzen “Moi” Llamado.