Experience is the best teacher, ika nga nila. Ang mga karanasan mula sa maraming taon ng pagsasabong ang naging dahilan upang lalong mag-improve ang kakayahan, decision-making, at abilidad ng Alas ng Salto na si Boy Gamilla. Ito ang nagdala sa kanya sa tugatog ng tagumpay sa larangan ng gamefowl breeding at fighting.
Si Jaime “Boy” Gamilla ang may ari ng BMJ Gamefarm sa Bulacan, Cavite, Antipolo, at Bacolod. Pangarap ng madaming gamefowl breeders na marating ang naabot niya. Ang sunod-sunod na panalo ni Boy sa malalaking patimpalak ang nagpapatunay sa lawak ng kanyang kakayahan: 2008 Bakbakan Solo Runner Up, 2011 RGBA Star Fighter of the Year, 2013 Digmaan Runner Up, 2013 Bakbakan Champion, 2017 BNTV Champion. Maikukumpara si Boy sa isang beteranong heneral na alam ang bawat epektibong strategy upang makamit ang tagumpay sa mahihirap at malalaking labanan.
Mahalaga ang bloodlines para kay Boy kaya naman ito ang pinaka-una niyang pinagtutuunan ng pansin, bago ang lahat. Sa pagpili ng broodstags at broodpullets, kinukuha niya ang may balance, 45 degrees ang buntot, sakto ang haba ng binti at hita. Sa BMJ gamefarm, ang kanyang mga bloodlines ay binubuo ng 5k, Goldenboy, Gary Gilliam Roundhead, Gilmore Hatch, BMJ Black, at BMJ Dom.
Ang manok na maganda ang balikat, maliit ang baywang, maganda ang mata, at hindi lubog ang pisngi and karaniwang hinahanap ni Boy. Mas pinipili niya ang stags na above-average ang height at malaki ang buto, heavy-boned o brusko. “Para sa pullet, basta maganda at alam ko ang linyada ay doon ako. Kailangan yung parang pang-Miss Universe,” sabi ni Boy. Sa BMJ Gamefarm, pag harvest pa lamang ay mayroon nang selection at marking upang maging mas madali ang traceability.
Para naman sa fighting style, kinakailangan ng manok na listo at focused, “Kailangan nasa ibabaw. Kailangang mautak sila. At importanteng malakas ang palo para mas nakaka-penetrate ang tari. Kaya importante na may power.”
Kasama ng top of the line breeding at selection ang tamang nutrisyon mula sa high-quality feeds upang makamit ang superior performance ng ating mga panlabang manok. Ang Salto feeds ay tumutulong upang lalong ma-enhance ang genetic potential ng mga bloodlines ni Boy Gamilla.
Nagsimula sa paggamit ng Salto Feeds si Boy nang may bumisita sa kanya na Salto Gamefowl Specialist at ipinasubok ito sa kanyang mga alaga. “Sinubukan ko sa isang batch ko at ikinumpara ko sa other brand, at maganda ang resulta ng Salto. Nakita ko na hindi buhaghag ang balahibo ng mga sisiw ko. Naging tight-feathered at matipuno sila kahit sisiw pa lang. Pagdating naman sa breeding ay ginagamit ko ang Gallimax 21. Napatunayan ko na effective siya kasi kahit yung 8 years old ko na hen ay napa-itlog ko at nagkaroon pa ako ng production.”
At dahil epektibo ay nag nagtuloy-tuloy na si Boy sa paggamit ng Salto Feeds. “The following year ay gumamit na ako ng Salto Feeds. From Day 1 to 30 ay gumagamit ako ng Salto Chick Booster. Sa 2nd up to 4th month ay Salto Baby Stag Developer. After ng 4th month ay Stag Developer naman. At kapag nasa cord na sila, ginagamit ko ang Salto Powermix. Nakita ko na talagang hindi sila nag-aaccumulate ng fats, at talagang matipuno yung mga manok ko,” sabi ni Alas ng Salto Boy Gamilla.
Bilang isang multi-champion sa big derbies, payo ni Alas ng Salto Boy Gamilla sa mga aspiring breeders at cockers. “Aspiring means yung mga breeders na may pangarap na maging magaling ang mga alaga nila. Kailangang mag-umpisa ng tama. Huwag manghinayang na pumili ng tamang breeding materials. I-assess natin ang mga for breeding at panlaban natin.”
Solid experience, good management, at excellent feeds – ito ang mga bagay na naging dahilan upang maging matagumpay si Alas ng Salto Boy Gamilla sa industriya ng gamefowl breeding at fighting.