Success Story: Alas ng Salto Ericson Laurente

Articles, Feature Articles

Paano maging isang champion?

 

Hindi maitatanggi na malaki ang naging epekto ng COVD-19 sa industriya ng sabong. Pero sa kabila nito ay hindi umurong sa hamon ng pandemya ang young legend sa larangan ng breeding at cockfighting na si Ericson Laurente—proud Alas ng Salto at ang owner ng Tipolopoint ADA Gamefarm sa Norzagaray, Bulacan.

 

“Mayroong demand. Gusto ko na kahit ganito ang panahon ay itaas pa din ang level ng sabong sa top competition. Kaya kailangang mag-breed pa din ng marami.”

 

SHARP BREEDER

 

Apat ang main bloodlines ni Eric sa kanyang farm: Hatchet, Lemon, Harold Brown Grey, at Perfection Roundhead. Timing at extension ng paa ang gusto niyang characteristics ng isang broodstag. “Ang hinahanap ko sa manok ay yung may angat. Ayoko yung pumapasok ng alanganin. Gusto ko sa manok ay  may timing and at the same time may cutting.” 

 

Hands-on at focused si Eric sa breeding at paggawa ng signature lines. Kilala niya at alam niya ang strength ng kanyang mga linyada. Gusto niya ang mga breeds na may good gameness, frontal pumalo, matalino at may power. Ang advice ni Eric sa mga baguhang magmamanok ay kumuha ng mga materyales sa mga honest breeders na nananalo sa mga big events.

 

“Kapag nag-select kami ng panlaban, especially sa stags, ang una kong tinitingnan ay yung masculinity, yung pagiging barako niya, yung tindig at lakad. Yung may magagandang markings, may magandang buto at may magandang sukat—yun ang mga pinipili natin.”

 

THE CHAMPION

 

Sa resulta makikita ang galing ng isang breeder, at ang credentials ng Alas ng Salto na si Ericson ay nagpapatunay sa kanyang talino at dedikasyon sa larangan ng cockfighting.

 

Hindi matatawaran ang kanyang solid achievements: 8 Points BNTV Grand Finalist, 5-Cock Derby ng Masa Champion, 6-Cock SMC Champion, 2019 5-Stag Big Event Champion, at 2020 Solo Champion 7-Stag Main Event.

 

“Very big factor ang nutrition. Before, way back, noong ibang feeds pa ang gamit ko, kahit same bloodlines ay hindi sila nakaka-score ng ganito kataas na winning percentage. Combination of good feeds, good nutrition, good bloodline—kaya last year ay around 80% ang winnings namin simula early bird hanggang national.” Ayon kay Eric, ito ang patunay sa napakagandang epekto ng Salto products sa pagpapalabas ng best at full genetic potential ng kanyang mga alaga.

 

“Once na healthy ang manok natin ay ang dali nilang ihanda, ang dali nilang i-point. Kahit sa stress ay kayang-kaya nilang dalhin.”

 

At ngayon ay maidadagdag na din sa listahan ng greatest accomplishments ni Eric ang pagiging champion sa prestigious na 2020 WPC 10 Stag Derby. First time in history na may around 11,000 entries ang kompetisyon na ito, pero sa kabila ng mahihirap na labanan versus magagaling na fighters ay ang Alas ng Salto pa din ang nanguna. 

 

Aniya, naging consistent ang score nila at naging champion sa mga labanan dahil sa Salto Feeds, “Sobrang tuwa namin na naging Salto Family kami.”